Nagdadalamhati ngayon ang mga Muslim solons sa pagpanaw ni Dating Senador Santanina Tillah Rasul.
Si Rasul ang kauna-unahang babaeng muslim na naging Senador.
Nagsilbi siya mula 1987 at 1995.
Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, hindi malilimutan ang makasaysayang niyang pagkakahalal sa senado at ang kaniyang adbokasiya para sa edukasyon, karapatan ng mga kababaihan at marginalized communities.
“It is with deep sorrow that I extend my condolences on the passing of former Senator Santanina Tillah Rasul. Her historic role as the first Muslim woman in the Philippine Senate and her tireless advocacy for education, women’s rights, and marginalized communities will forever be remembered as a source of pride and inspiration for our people.” Ani Adiong.
Lubos naman ang pasasalamat ni basilan Rep. Mujiv hataman sa paglilingkod at mga ambag ni Rasul sa bansa.
Aniya, ang kanyang mga kontribusyon sa larangan ng edukasyon, karapatan ng kababaihan at kapayapaan ay nagsilbing inspirasyon sa marami.
Itinuturing din niya si Rasul na isang tapat na lingkod-bayan.
Kabilang sa mga mahahalagang batas na kanyang isinulong ang Republic Act No. 7192 o ang “Women in Development and Nation-Building Act,” na nagbukas ng pinto ng Philippine Military Academy para sa mga kababaihan at Republic Act No. 6949 na nagdedeklara sa ika-8 ng Marso bilang National Women’s Day sa Pilipinas. | ulat ni Kathleen Forbes