Mini-BPSF sa Naga, Pili at Polangui, target maibaba ang serbisyo ng pamahalaan sa mga sinalanta ng bagyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maliban sa relief caravan sa Bicol region ay magkakasa rin ang Kamara ng mini-Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.

Ayon kay House Deputy Secretary General Sofonias Gabonada, bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inatasan ni Speaker Martin Romualdez ang pagbuhos ng serbisyo sa mga lugar na sinalanta ng mga bagyo.

Paalala ni Gabonada, kailangan din ng mga biktima ng emergency employment, matignan ang kanilang kalusugan, at iba pang mga serbisyong i-aalok ng gobyerno na dadalhin ng mini-BPSF.

Sabayan aniya itong idaraos sa November 21, na gagawin sa Jessie Robredo Coliseum sa Naga City, Ka-Fuerte Sports Complex sa Pili at BUPC Gymnasium sa Polangui, na may tig-10,000 benepisyaryo kada lokasyon.

Samantala, sa Biyernes, November 22, idaraos naman sa Samar ang huling Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ngayong taon.

Ayon sa Deputy Secretary General, aabot sa 180,000 ang target beneficiaries para sa BPSF Samar kung saan 100,000 na pamilya dito ay aabutan ng tulong pinansyal.

Nasa 250 programa ng serbisyo ang dadalhin ng mga makikibahaging ahensya na may kabuuang halaga na kalahating bilyong piso. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us