Binigyang-diin ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na may etikal na obligasyon ang mga content creators na protektahan ang mga kabataan laban sa mga mapanganib na palabas sa gitna ng mabilis na pagbabago sa daigdig ng media at pelikula.
Sa kanyang talumpati kamakailan sa 2024 Annual Conference ng International Institute of Communication (IIC) sa Bangkok, Thailand, sinabi ni Sotto-Antonio na ang kalayaan ay may kalakip na malaking responsibilidad dahil sa posibleng pinsala sa murang kaisipan ng mga bata o sa reputasyon ng isang indibidwal ng mga hindi kontroladong palabas.
Nakilahok din ang Philippines delegation sa talakayan hinggil sa Artificial Intelligence, low-earth orbit satellite technology at digital government.
Kasama sa biyahe ni Sotto-Antonio sina MTRCB Board Members Eloisa Matias at Dr. Lillian Ng-Gui, at si Atty. Anna Mindalano ng MTRCB Legal Affairs Division sa nasabing International Regulators Forum at 55th IIC Annual Conference. | ulat ni Melany Reyes