Patuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa limang rehiyong nakaranas ng malalakas na pag-ulan at bahang dulot ng magkasunod na bagyong Nika at Ofel.
Ayon sa DSWD, aabot na sa higit ₱19.5-million ang halaga ng humanitarian assistance na naihatid sa higit isanlibong apektadong barangay sa bansa.
Kabilang rito ang family food packs para sa higit 9,000 pang pamilya na nananatili sa evcuation centers at pati na cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
As of November 14 naman, umakyat pa sa higit 109,415 pamilya o 421,000 na indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad.
Una na ring pinamadali ni DSWD Secretary Gatchalian ang pagdi-dispatch ng food packs para sa mga lalawigan lalo na ang mga tatamaan din ng Bagyong Pepito. | ulat ni Merry Ann Bastasa