Sa maghapon na pagpapatupad ng mandatory evacuation sa Camarines Sur kahapon, November 15, 2024, umabot na umano sa 41,200 na pamilya ang nailikas mula sa mga high-risk areas sa lalawigan.
Batay sa post ni Gov. Luigi Villafuerte, kabuuang 41,200 na pamilya ang nailikas patungo sa ligtas na evacuation sites sa Camarines Sur kaugnay ng paghahanda sa Bagyong Pepito.
Naisagawa ito sa tulong ng Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Philippine Army, FMAG Rescue Philippines Inc., at Provincial Government Offices ng Camarines Sur.
Magpapatuloy naman umano ang pamamahagi ng mga relief packs sa mga lumikas na pamilya.
Sa ngayon, nagpapatuloy naman umano ang pagdeploy ng mga Search, Rescue and Retrieval (SRR) Team at ang staging area at command centers nito ay matatagpuan sa pitong mga lugar sa Camarines Sur. | ulat ni Vanessa Nieva | RP1 Naga