National Privacy Commission, magsasagawa rin ng imbestigasyon sa nangyaring aberya sa Gcash app noong weekend

Facebook
Twitter
LinkedIn

Gagawa rin ng sarili nilang imbestigasyon ang National Privacy Commission (NPC) kaugnay sa nangyaring glitch sa mga account ng Gcash users noong weekend. 

Sa isang statement, sinabi ng NPC na kanilang sisilipin kung may nangyaring paglabag sa data privacy ng mga customers ng Globe Xchange Inc ang siyang operator ng Gcash app. 

Nais malaman ng komisyon kung walang nakompromiso na mga data ng lahat ng Gcash users sa nangyaring aberya. 

Una nang tiniyak ng Gcash sa mga customer nito na safe ang mga pera at iba pang impormasyon lalo pa at isolated incident lamang ang nangyaring aberya noong weekend.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us