Nat’l Government, di tumitigil sa pagpaabot ng tulong sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng magkakasunod na bagyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat na sa P5.75 billion ang halaga ng pinsalang tinamo ng agriculture sector ng Pilipinas, bunsod ng pananalasa ng bagyong Kristine at Leon sa bansa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, na pinakamalaki sa danyos na ito ay mula sa pinsalang tinamo ng palay (P4.2 billion) na sinundan ng high-value commercial crops (P800 million), at corn sector.
 
“Pinakamalaking damage ang na-report sa Bicol Region at 2.9 billion – pinakamalaki sa Camarines Sur at 1.3 billion; sunod ang MIMAROPA at 750 million; ganundin dito sa may bandang Cagayan Valley at 620 million.” -Asec. de Mesa

Dahil dito, ang national government ay walang humpay ang ginagawang pag-alalay sa mga biktima ng magkakasunod na sama ng panahon sa bansa.

Naglaan na aniya ang pamahalaan ng P541 million na halaga ng binhi ng palay, mais, gulay.

“Naglaan tayo ng 541 million, ito iyong mga prepositioned na mga binhi ng palay, mais at gulay magmula pa sa Cordillera, Region I, Region II, Region III, dito sa CALABARZON, MIMAROPA, hanggang sa Bicol, Visayas at sa apektado na lugar dito sa Mindanao.” -Asec de Mesa

Ang Philippine Crop Insurance Corporation, naglaan rin ng higit P660 million na pondo upang ipambayad sa mga nasirang pananim ng mga magsasaka.

“Ang ating ACPC o Agricultural Credit Policy Council ay mayroong 500 million pesos para sa P25,000 na survival and recovery loan sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.” -Asec de Mesa

Bukod pa aniya dito ang P1 bilyong na Quick Response Fund para sa rehabilitation at recovery ng mga lugar na apektado ng mga bagyo.
 
“Sa mga insured areas na nabanggit kanina, more than 30,000 farmers ito, ang ipapamahagi rito about 15 to 25 thousand pesos iyan na indemnification claims. Doon naman sa mga three hectares and below, automatic ang registration at ang insurance niyan dito sa ating Registry System for Basic Sector in Agriculture kaya patuloy iyong paghikayat natin sa ating mga magsasaka at mangingisda nang patuloy na registration dito sa RSBSA natin.” -Asec de Mesa. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us