Tatlong transmission line facility na lang ang hindi pa tapos makumpuni ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Gayunman inaapura na ng mga line crew na maibalik ang operasyon ng mga unavailable na transmission line.
Sabayan na ang isinasagawang restoration activities sa Cabanatuan-
Bulualto 69kv line, Santiago-Cauayan 69kv line, at Cabanatuan-San Luis 69kv line.
Apektado ng kawalan ng suplay ng kuryente ang Nueva Ecija Electric Cooperative (NEECO) 1, Isabela Electric Cooperative (ISELCO) 1, at ang NEECO II Area 1 at 2, at Aurora Electric Cooperative (AURELCO).
Kaninang umaga, huling naibalik sa normal na operasyon ang Bayombong-Lagawe 69kv line.
Ito ang nagsusuplay ng kuryente sa NUVELCO o Nueva Vizcaya Electric Cooperative at Ifugao Electric Cooperative o IFELCO.
Ang mga transmission line facility ang huling bumigay sa kasagsagan ng pananalasa ni bagyong Pepito. | ulat ni Rey Ferrer