Patuloy na nakaalerto ang transmission service provider na National Grid Corporation of the Philippines sa banta ng Super Typhoon Ofel.
Ayon sa NGCP, nakalatag na ang precautionary measures nito para mabawasan ang posibleng impact ng bagyo sa transmission operations at pasilidad nito.
Kabilang dito ang paghahanda sa communications equipment, mga kagamitang kailangan sa pagkukumpuni ng maaaring masirang pasilidad, at gayundin ang pagdedeploy na sa line crews sa mga lugar na maaring daanan ng bagyo.
Bahagi ito ng Integrated Disaster Action Plan (IDAP) ng ahensya para masiguro ang kahandaan ng lahat ng power transmission facilities na maaaring tamaan ng bagyo.
Nauna na ring inalerto ng National Electrification Administration ang mga electric coop para mabawasan ang posibleng pinsala ni bagyong Ofel sa kanilang pasilidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa