Nagpatupad na ng kaukulang paghahanda ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kasunod ng pananalasa ng bagyong Nika.
Ayon sa NGCP, kabilang dito ang mga maaasahang gamit sa komunikasyon gayundin sa pagkukumpuni ng mga maaapektuhan nilang pasilidad.
Nakaposisyon na rin ang kanilang mga tauhan sa mga istratehikong lugar para sa maagap na pagtugon upang agad maibalik ang suplay ng kuryente sa mga maaapektuhang linya.
Binigyang-diin ng NGCP na nakaangkla ito sa kanilang Integrated Disaster Action Plan upang tiyaking handa ang lahat ng kanilang transmission facility sa daraanan ng bagyo. | ulat ni Jaymark Dagala