Balik na sa normal na operasyon ang lahat ng power transmission lines sa Luzon ng National Grid Corporation of the Philippines.
Inanunsyo ng NGCP na ganap nang nakumpleto ang pagkumpuni sa mga linya ng kuryente na sinira ng bagyong #NikaPH.
Nanumbalik ang normal na operasyon ng Luzon Grid matapos ang restoration ng Santiago-Batal 69kv Line kaninang hapon.
Gayunman, nanatiling activated ang Overall Command Center (OCMC) ng NGCP habang binabantayan pa ang pagpasok ng panibagong sama ng panahon.| ulat ni Rey Ferrer