Inatasan ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga regional at local counterpart nito na bumuo ng sarili nilang Inter-Agency Coordinating Cell sa harap na rin ng pananalasa ng bagyong Nika sa bansa.
Ito’y makaraang paganahin ang National Inter-Agency Coordinating Cell sa Kampo Aguinaldo bago pa man tumama sa bansa ang nagdaang bagyong Marce.
Ayon kay OCD Assistant Secretaey Rafaelito Alejandro, mapabibilis ng mga lokal na IACC ang komunikasyon sa iba pang uri ng pagtugon sa hagupit ng bagong bagyo.
Paliwanag niya, magsisilbi itong one-stop-shop hindi lamang ng mga paglalabas ng mga kautusan kundi maging sa pagtanggap ng tulong matapos ang pananalasa ng bagyo.
Hanggang kahapon, halos 77,000 pamilya ang naitalang apektado ng bagyong Marce habang nagbabanta naman sa Gitna at Hilagang Luzon ang bagyong Nika. | ulat ni Jaymark Dagala