Operasyon ng ilang airport sa Hilagang Luzon, balik normal na — CAAP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa publiko na balik normal na ang operasyon ng ilang mga paliparan na naapektuhan ng bagyong Nika.

Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, balik normal na ang operasyon ng Vigan, Lingayen, at Baguio Airport subalit nananatiling suspendido ang commercial flights sa mga ito bunsod ng maulap na panahon, at may kasama pang mahina hanggang sa katamtamang lakas ng hangin.

Samantala, ang Laoag International Airport ay operational na din at wala pang naitatalang kanseladong flights.

Ayon pa sa CAAP, wala ring pinsala na naitala sa ano mang paliparan o injury sa sino mang tauhan ng mga airport na kanilang pinapangasiwaan.

Base naman sa report ni Area Manager Ronald Estabillo ng Area Center 1, kanselado ang mga Visual Flight Rules (VFR) mula Vigan at Baguio Airport.

Ang airports naman ng Basco, Tuguegarao, at Cauayan ay nananatiling operational walang ano mang damages sa pasilidad at mga tauhan.

Balik operasyon na rin ang mga commercial flight, maliban sa non-scheduled flights patungong coastal areas habang on standby naman ang general aviation flights. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us