Balik na sa normal ang operasyon ng LRT-2 ngayong araw matapos na maisaayos ang problemang teknikal.
Ayon pamunuan ng Light Rail Transit Authoruty, pansamantalang itinigil ang biyahe ng mga tren dahil sa aberya sa bandang Santolan Station.
Agad namang rumesponde ang Engineering at Maintenance Team ng LRT-2 upang ayusin ang nasabing problema.
Sa ngayon, mayroon nang biyahe mula Recto Station hanggang Antipolo Station at pabalik.
Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng LRT-2 sa mga pasaherong naapektuhan ng aberya.
Pinapayuhan ang mga pasahero na manatiling nakaantabay sa mga anunsyo at update sa social media accounts ng LRT-2.| ulat ni Diane Lear