Overseas Labor Market Forum, inilusad ng DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac ang pagbubukas ng Overseas Labor Market Forum ngayong araw.

Dito, tinatalakay ang pagkakaroon ng ligtas, ethical, transparent at sustainable labor mobility sa lokal at foreign stakeholders.

Dumalo sa nasabing forum ang iba’t ibang industry leaders at diplomats mula sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Cacdac, bagaman ginagarantiya rito ang kapakanan, karapatan at benepisyong makukuha ng mga Pilipino, dapat ding palakasin ang ugnayan ng labor market ng ibang bansa dito sa Pilipinas.

Ito’y upang makasabay ang Pilipinas sa pandaigdigang pamantayan sa pagbibigay ng de kalidad na seribsyo na maiaalok ng Pilipinas.

Sa ibang balita, kinumpirma naman ni Cacdac ang pag-uwi sa bansa ngayong linggo ng kapatid ni Mary Jane Veloso na sinasabing biktima ng pang-aabuso sa Saudi Arabia.

Sinabi rin ni Cacdac, na inaasikaso na lamang ng kagawaran ang relkamong isasampa ng kapatid ni Veloso laban sa kaniyang amo sa Saudi Arabia.

Iginiit din ni Cacdac, na maganda ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Saudi kasunod na rin ng diplomatic ties na itinaguyod ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us