Malaki ang pasasalamat ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa at naibalik sa P50 billion ang alokasyong pondo para sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa susunod na taon.
Matatandaang sa bersyon ng Kamara ng budget bill ay natapyasan ng P10 billion ang AFP modernization program at ginawa na lang P40 billion.
At sa inaprubahang bersyon ng mataas na kapulungan ay binalik ito sa NEP level na P50 billion.
Ayon kay Dela Rosa, sa pamamagitan ng pondong ito ay tiyak nang magkakaroon ng dagdag na makabagong mga kagamitan ang AFP.
Mapapataas rin aniya nito ang morale ng ating mga sundalo dahil mararamdaman nila ang suporta para sa pagdepensa ng ating bansa.
Samantala, tanggap naman na ni Senador Bato na hindi na kakayanin pang maitaas ang panukalang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP).
Kung sa senado aniya ay hindi na ito nakalusot, paano pa kaya sa Bicam.| ulat ni Nimfa Asucncion