Tinatayang umabot sa P387.6 milyon ang nasabing halaga ng nasabat na ilegal na droga ng mga awtoridad mula sa isang abandonadong sasakyan sa Liloan Port sa Southern Leyte.
Sa pinagsanib na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Port Police, Philippine Coast Guard K9 Unit, PNP Maritime, at iba pang local law enforcement, natunton ang nasabing droga matapos ang isinagawang routine inspection, kung saan agad itong naamoy ng mga K9 unit.
Dito natagpuan ang 57 pakete ng metamphetamine hydcholoride o mas kilala sa tawag na shabu.
Patuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng sasakyan at ang pagkakakilanlan ng driver. | ulat ni EJ Lazaro