Posibleng mag-angkat pa ng karagdagang suplay ng isda ang Pilipinas para sa susunod na buwan.
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, pinag-aaralan ngayon ang importation ng karagdagang 8,000 MT dahil sa laki ng epekto rin ng magkakasunod na bagyo sa fisheries sector.
Katunayan, aabot na aniya sa halos isang bilyon ang halaga ng pinsala ng kalamidad sa naturang sector.
Layon din nitong pigilan ang tumataas na presyo ng isda sa mga pamilihan.
Kabilang sa aangkatin ang galunggong, mackerel, bonito at iba pang pelagic fishes na dapat ay makarating sa disyembre.
Samantala, dahil sa inaasahang tuloy tuloy na pagsipa ng presyo ng gulay, humingi na rin ng rekomendasyon si DA Sec. Laurel sa BPI sa posibilidad na kumuha ng suplay sa iba pang lalawigan sa Visayas at Mindanao o di kaya ay mag-import din ng gulay.