Sinimulan na ng Quezon City Health Department ang malawakang pagbabakuna sa lungsod katuwang ang Metro Manila Center for Health Development.
Bahagi ito ng Big Catch Up Immunization Program para maprotektahan ang lahat laban sa mga vaccine preventable disease.
Kabilang dito ang pagbibigay ng bakuna para sa BCG, Hepatitis B, Pentavalent, PCV, OPV, IPV, MMR, HPV, Vaccine kontra Cervical Cancer, Tetanus Deptheria, Influenza at Pneumococcal Vaccine.
Ayon sa QC LGU, sa tulong ng malawakang pagbabakuna umaasa ito na magpapatuloy ang mataas na vaccination rate at maiiwasan ang mga outbreak sa Quezon City. | ulat ni Rey Ferrer
📸 Quezon City LGU