Magpupulong ngayong araw ang response cluster ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ito’y para higit na palakasin ang recovery efforts ng pamahalaan sa mga komunidad na sinalanta ng bagyong Pepito.
Ayon sa NDRRMC, kabilang sa mga tinututukan ngayon ang pamamahagi ng shelter repair kits, hygiene kits, solar lamps, family food packs, at malinis na inuming tubig.
Batay sa ulat ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), marami pa ring pamilya ang nananatili sa evacuation centers.
Kasalukuyang isinasagawa ang validation ng mga benepisyaryo ng Integrated Shelter Assistance Program at inaasahan namang maipapamahagi ang pondo para dito sa loob ng isang linggo. | ulat ni Jaymark Dagala