Pagbibigay benepisyo sa senior citizens sa ilalim ng Centenarians Act at Expanded Centenarians Act, ililipat na sa National Commission of Senior Citizens simula sa Enero — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na simula sa Enero 2025, ay ililipat na sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang pagpapatupad ng batas na para sa benepisyo ng mga nakatatanda.

Kabilang dito ang Republic Act 10868 o ang Centenarians Act of 2016 at Republic Act 11982 o Expanded Centenarians Act.

Sa ilalim ng Centenarians Act of 2016, nakapaloob ang pagbibigay ng karadagdang benepisyo na P100,000 cash grant sa mga mga older persons na umabot na sa 100 taong gulang.

Habang sinisiguro naman ng Expanded Centenarians Act na ang mga Senior Citizens edad 80, 85, 90, at 95 ay makakatanggap ng P10,000 cash grant.

Una na ring hinikayat ang mga senior na magparehistro sa Elderly Data Management System (EDMS) para mapabilang sa mga benepisyaryo sa ilalim ng Expanded Centenarians Act. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us