Pormal nang binuksan sa Ayala Trinoma Mall sa Quezon City ang Light of the World Giving Machines.
Isang pamamamaraan ito ng pagbibigay ng donasyon gamit ang vending machine.
Iba’t ibang klaseng donasyon ang pagpipilian tulad ng food pack, student allowance, school fees para sa mga orphans, medical kits at marami pang iba sa halagang mula Php 50.00 hanggang Php 1,000.
Ang pagbubukas ng vending machine ay pinangunahan ni The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints Philippine Area President Elder Carlos Revillo Jr.
Pangatlo na ang vending machine sa Quezon City na binuksan sa Pilipinas, una ay sa Davao at pangalawa ay sa Cebu.| ulat ni Rey Ferrer