Pinapurihan ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo ang mabilis na pag apruba ng Joint Committees on Government Reorganization at Overseas Workers Affairs (COWA), sa panukalang batas na magtatatag sa Migrant Workers Relations Commission.
Ang MWRC ang magiging counterpart ng NLRC ng DOLE.
Pagtutuunan nito ang mga labor cases ng OFWs partikular sa pagdinig at pagresolba sa money claims at labor dispute.
Diin ni Salo sa paraang ito ay masisiguro ang napapanahon at patas na resolusyon ng mga hinaing ng ating mga OFW.
“Our migrant workers work tirelessly abroad to support their families and consequently contribute to our nation’s economy. This bill carefully considers the nuances of overseas work where migrant workers oftentimes need to immediately return abroad,” sabi ni.l Salo.
Mahahati ang MWRC sa tatlong dibisyon.
Ang First Division, ay hahawak sa kaso ng mga land-based OFW; ang Second Division, ay para sa sea-based OFW cases; at ang Third Division, ay para sa parehong land-based at sea-based cases, depende sa dami ng ihahaing kaso.
“This legislation is a testament to our commitment to protect the rights and welfare of our OFWs. Through the MWRC, OFWs will be provided with a dedicated agency to address their disputes — swift, fair, and efficient,” dagdag ni Salo. | ulat ni Kathleen Forbes