Pagbuo sa Inter-agency Committee on International Humanitarian Law, ipinag-utos ng Palasyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ang International Humanitarian Law ay ang legal na pamantayan para sa proteksyon ng mga indibidwal na hindi direkta o hindi na aktibong nakikibahagi sa mga digmaan at armadong pakikibaka.

Sa bisa ng Executive Order no. 77, nakasaad na alinsunod ito sa polisiya ng pamahalaan sa ilalim ng Saligang Batas, kaugnay sa pagpapahalaga sa dignidad ng bawat indibiwal, kaakibat ng paggalang sa karapatang pantao.

Ang inter-agency body ay bubuuin ng mga kalihim ng Department of National Defense at Department of Foreign Affairs bilang co-chairperson.

Magsisilbi namang miyembro ang DILG, DOJ, DSWD, DTI, Department of Health (DOH), Armed Forces of the Philippines (AFP), PNP, Philippine Coast Guard (PCG), NCIP, CHED, OPAPRU, at Presidential Human Rights Committee Secretariat.

Aalalayan ng mga ito ang mga awtoridad na nakatutok sa pagpapatupad o pagpapalaganap ng public awareness kaugnay ng IHL.

Naatasan rin ang IAC-IHL na maglatag ng year-round na mga aktibidad, international agreememts, at angkop na programa, kabilang na ang komemorasyon ng IHL Day, tuwing ika-12 ng Agosto.

Pinatututukan din sa komite ang pagsunod ng mga ahensya kaakibat ng pag-uulat ng mga violation.

Pirmado ng Pangulo ang kautusan ika-22 ng Nobyembre, 2024.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us