Welcome sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paglalabas ng Executive Order (EO) 76 ng Malacan̈ang na nagdedeklara sa Tara, Basa! Tutoring Program bilang flagship program ng pamahalaan.
Sa isang pahayag, nagpasalamat si DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagkilala sa educational assistance program na inisyatibo mismo ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.
Ipinunto naman nito na mananatili ang kanilang dedikasyon para mapalawak pa ang benepisyaryo sa ilalim ng programa, na naglalayong suportahan ang mga mag-aaral at pamilyang may mababang kita.
Sa taong ito, umabot sa 120,359 college students, non-reader elementary learners, at kanilang mga magulang ang nakinabang sa tutoring program ng DSWD.
Sa ilalim ng Tara, Basa! Tutoring program, nagkakaloob ang DSWD ng cash for work sa piling college students kapalit ng pagiging tutor sa mga batang nahihirapang magbasa o youth development worker na magsasanay sa mga magulang na maging Nanay-Tatay Tutor sa kanilang mga anak sa bahay. | ulat ni Merry Ann Bastasa