Pagdinig sa kasong Qualified Human Trafficking laban kay Apollo Quiboloy sa Pasig RTC, magpapatuloy ngayong araw; kalusugan nito, nananatiling maayos — PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling sumalang sa pre-trial hearing ng Pasig City Regional Trial Court Branch 59 si Kingdom of Jesus Christ Founder, Pastor Apollo Quiboloy at apat na kapwa akusado nito, kaugnay sa kasong Qualified Human Trafficking na isinampa laban sa kanila.

Ayon kay Atty. Israelito Torreon, abogado ni Quiboloy, haharap sa pagdinig ang Pastor via online dahil sa idinadaing nitong karamdaman.

Gayunman, kanilang hiniling sa korte na mapalawig pa ang medical forlough dito dahil nagkaroon ito ng impeksyon sa panga matapos ang dental implant operations nito.

Magugunitang dinala sa Philippine Heart Center si Quiboloy noong isang linggo matapos makaranas ng hindi pangkaraniwang tibok ng puso.

Subalit iginiit naman ng Philippine National Police (PNP) na nasa maayos na kondisyon ang kalusugan ni Quiboloy at mahigpit itong binabantayan sa kaniyang piitan sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us