Paggamit ng social media sa lahat ng pasilidad ng BuCor, bawal na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagbawal ni Bureau of Corrections (BuCor), Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang paggamit ng social media sa lahat ng pasilidad ng kanilang opisina sa buong bansa.

Paliwanag ng BuCor, layon nito na paigtingin ang seguridad at mapanatili ang propesyunalismo sa loob.

Ang naturang anunsiyo ay inilabas ni Catapang matapos lamang ang direktibang ‘no cellphone policy’.

Ito ayon sa BuCor ay pagbibigay diin sa mga hakbang ng kanilang opisina, na bawasan ang mga potential distraction at protektahan ang integridad ng operasyon nito sa loob ng correctional institutions. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us