Ikinalugod rin ng National Anti-Poverty Commission–Formal Labor and Migrant Workers Sectoral Council (NAPC-FLMWSC) ang nakatakdang pagbabalik bansa ni dating OFW Mary Jane Veloso.
Kasunod ito ng pagpayag ni Indonesian President Prabowo Subianto na ilipat si Veloso sa Pilipinas upang dito ipagpatuloy ang natitira niyang sentensya.
Sa isang pahayag, nagpasalamat ang konseho sa Indonesian government sa pagpapahintulot na makabalik na sa bansa si Veloso.
Kinilala rin nito ang pagsisikap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para matiyak na maaalis si Veloso mula sa death row.
Kasunod nito, nakikiisa rin ang NAPC-FLMWSC sa panawagan na magawaran ng clemency si Veloso.
Matagal na anila silang naninindigan na dapat pagaanin ang sentensya ni Veloso, na isa lamang biktima ng human trafficking.
Para sa NAPC-FLMWSC, ang pagbibigay ng Presidential clemency ay napapanahong hakbang lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan. | ulat ni Merry Ann Bastasa