Paggunita ng Undas sa buong bansa, generally peaceful — PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na mapayapa ang pangkalahatang paggunita ng Undas sa buong bansa.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Jean Fajardo, na maliban sa naging sunog sa Bagbag Cemetery sa Novaliches, Quezon City at ilang minor incidents na hindi naman nakaapekto sa sitwasyon sa pangkalahatan.

Pinasalamatan ni Fajardo ang kooperasyon ng publiko sa pagiging alerto at mapagmatiyag sa kanilang seguridad. Kinilala rin niya ang malaking tulong ng mga force multiplier sa pagpapanatili ng kaayusan.

Mananatili naman sa heightened alert ang buong pwersa ng PNP hanggang mamayang hatinggabi. Nakatuon ang kanilang pagbabantay sa mga bus terminals, sea ports, at airport dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong magbabalik mula sa probinsya matapos ang long weekend.

Bukod dito, naka-deploy din ang mga pulis sa mga matataong lugar tulad ng mga pasyalan, malls, at simbahan.

Nananatili rin ang mga help desk ng PNP sa ilang malalaking sementeryo para sa mga mamamayan na nais bumisita sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us