Pagkakatalaga sa pwesto ni DTI Secretary Ma. Cristina Roque, lusot na sa CA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan na ng Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga sa pwesto ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina Roque.

Naitalaga sa pwesto si Roque nitong Agosto ng taong ito.

Sa committee hearing ng CA, kabilang sa mga pinahayag ni Roque na inaasahan niyang madadagdagan ang papasok na international investments sa Pilipinas matapos aaprubahan ang CREATE MORE (Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy) law.

Ayon kay Roque, sa bisa nito ay madadagdagan ang incentives na ibibigay sa mga dayuhang mamumuhunan sa bansa kaya naman inaasahang dadami rin ang mga gugustuhing magpayabong ng kanilang negosyo dito.

Kabilang na aniya sa mga bansa na nakaabang na ay ang Japan at Taiwan.

Naniniwala rin ang kalihim na makakabuti para sa Pilipinas ang pagkapanalo ni Donald Trump bilang presidente ng Estados Unidos.

Giit ni Roque, magkaibigan naman ang Pilipinas at Amerika.

Bukod kay Roque, inaprubahan na rin ng CA ang promosyon ng ilang opisyal ng AFP at Department of Foreign Affairs (DFA).| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us