Nakaantabay na ang Inter-Agency Coordinating Cell (IACC) sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa pagtugon nito sa epekto ng bagyong Marce.
Ito’y habang inaantabayanan ang paglabas ng bagyo na kasalukuyang nasa coastal waters ng Ilocos Norte batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA.
Ayon kay NDRRMC Chairperson at Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., sa naging pulong ng IACC, naka-standby na ang mahigit 92,000 family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
May mga nakaposisyon na ring teams para sa paghahatid ng bigas ang Department of Agriculture (DA) habang nakatutok naman ang Department of Energy (DOE) para maibalik ang pinsala sa linya ng kuryente.
Nakaantabay na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) para naman sa paghahatid ng mga kinakailangang tulong sa mga apektado ng bagyo partikular na sa Batanes.
Pinayuhan naman ng IACC ang publiko na iwasan muna ang pagbiyahe sa Norte bukas, Sabado, upang mabigyang-daan ang disaster relief operations ng pamahalan. | ulat ni Jaymark Dagala