Paglilipat kay Televangelist Apollo Quiboloy sa Pasig City Jail, tuloy sa kabila ng pagkontra ng kampo nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy ang paglilipat sa Televangelist na si Apollo Quiboloy sa Pasig City Jail buhat sa Philippine Heart Center sa Quezon City.

Ito ay ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Jean Fajardo sa kabila ng paghahain ng motion for reconsideration ng kampo ni Quiboloy sa korte hinggil dito.

Tapos na kasi ngayong araw ang pinalawig na medical forlough ni Quiboloy na nagsimula noong isang linggo.

Magugunitang idinadahilan ng kampo ni Quiboloy ang usapin ng kalusugan, sa pagtutol nito na mailipat ang Pastor sa Pasig City Jail.

Una rito, sinabi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), makakasama nito sa selda ang nasa 35 Persons Deprived of Liberty (PDL).

Nasa 20 metro kwadrado lamang ang sukat ng bawat selda na kakasya lamang para sa limang preso. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us