Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na nasa proseso na sila ng pagpapa-deport sa mga dayuhan na nahuli sa POGO hub sa Bagac, Bataan.
Sa isang ambush interview, sinabi ni Remulla na marami pang mga dokumento ang kinakailangan para maipa-deport na ang mga illegal POGO workers.
Ang Bureau of Immigration ang naatasan ng DOJ na magproseso sa deportation ng mga dayuhan.
October 31, 2024 nang sinalakay ng Presidential Anti-Crime Commission, Bureau of Immigration, Philippine National Police, at iba pang law enforcement unit ang nasabing POGO hub.
Pero itinatanggi ito ng mga naaresto at sinabing Call Center o Business Processing Outsourcing lamang ang naturang kompanya. | ulat ni Mike Rogas