Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Singaporean Prime Minister Lawrence Wong sa ginawang pag-alalay ng Singapore sa Pilipinas, matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine sa bansa.
“The Philippines sends our heartfelt gratitude and we look forward to deepening our ties and creating even more ways to support each other across the region.” -Pangulong Marcos Jr.
Sa phone call sa pagitan ng dalawang lider (November 7), sinabi ng Pangulo na malaki ang papel na ginampanan ng mabilis na pagtugon ng Singapore para sa mga Pilipinong pinaka-apektado ng bagyo.
“Just got off the phone with Singapore’s Prime Minister, Lawrence Wong. Their quick response after Severe Tropical Storm Kristine made a real difference for so many of our kababayans in the hardest-hit areas.” -Pangulong Marcos
Natalakay rin aniya nila ang pagpapalakas pa ng balikatan ng Singapore at Pilipinas, partikular sa usapin ng pagtugon sa Climate Change at humanitarian aid.
“We discussed sustaining this partnership—from humanitarian aid to tackling climate challenges—all within the framework of ASEAN cooperation.” -Pangulong Marcos
Habang siniguro rin ng Pangulo ang commitment ng Pilipinas sa pagpapalalim pa ng ugnayan at paghanap pa ng ibang paraan upang suportahan ang isa’t isa. | ulat ni Racquel Bayan