Sisimulan na ang pagpapatupad ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ng pamahalaan sa San Juan City.
Layon ng programang ito na mabigyan ng disenteng pabahay ang mga Pilipino, lalo na ang mga informal settler families.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, malaking tulong ang 4PH program para sa mga San Juaneño dahil limitado ang lupa sa lungsod para sa horizontal development.
Aniya, ang mga natitirang bakanteng lupa na pag-aari ng Pamahalaang Lungsod ang ilalaan sa 4PH program upang tayuan ng high rise buildings.
Sa pamamagitan ng 4PH program, mas maraming pamilya ang mabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sariling tahanan na matitirahan nang matiwasay at ligtas.
Umaasa ang pamahalaang lungsod na sa pamamagitan ng programang ito, makakamit ang mithiin na maging “Zero Informal Settler Families” ang San Juan City.| ulat ni Diane Lear