Pagprotekta sa hanay ng media, pinatututukan ni Pangulong Marcos sa bagong pinuno ng PTFoMS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong pinuno ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa katauhan ni Joe Torres.

Si Torres ang kapalit ni Paul Guttierez matapos mapaso ang termino nito bilang Executive Director ng PTFoMS noong Setyembre.

Bago ang pagkakatalaga, si Torres ay naging Director General ng Philippine Information Agency (PIA).

Sa ika-50 KBP Top Management Conference sa Tagaytay, Cavite, inatasan ni Pangulong Marcos ang PTFoMs na paigtingin ang operasyon bilang paghahanda sa 2025 midterm elections.

“In particular, I asked the PTFOMS to focus their efforts on the members of the local media, whose fearless coverage makes them particularly vulnerable to threats against life, liberty, and security,” —Pangulong Marcos.

Inatasan din ng Pangulo ang PTFoMS na tutukan ang pagprotekta sa mga miyembro ng media para matiyak na walang banta laban sa kanilang buhay, kalayaan, at seguridad.

“I have also directed the PTFoMS to intensify and strengthen partnerships with the media, such as the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), the National Press Club (NPC), the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), and other concerned groups.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us