Pagsasabatas ng Enterprise-based Education and Training, makatutulong para mabawasan ang bilang ng mga walang trabaho

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Speaker Martin Romualdez ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Enterprise-based Education and Training o EBET Law.

Giit niya, sa batas na ito ay magkatuwang ang pamahalaan at pribadong sektor sa pagtugon sa kawalan ng trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng training at up-skilling programs.

“As I have always declared, as in inflation, the continuing challenge for us is to ensure that joblessness remains at the lowest level possible. The EBET Law will help us accomplish this task,” ani Speaker Romualdez.

Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) bumaba ang unemployment rate ng bansa sa 3.7 porsyento noong Setyembre mula sa 4 na porsyento noong Agosto at 4.5 porsyento noong Setyembre 2023.

Positibo rin ang lider ng Kamara na sa pamamagitan nito ay matugunan ang job-skills mismatch at ang kawalan ng kakayanan ng mga manggagawa na kailangan ng iba’t ibang industriya.

“We are hopeful that the law could effectively address these issues so we can prepare our workers for the demands of the local and foreign market, and assist them in finding new or additional employment so they can help their families,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Ang mga manggagawa na maaaring pumasok sa EBET program ay ang mga bagong pasok sa labor force at ang mga nais na sumailalim sa pagsasanay para makakuha ng bagong kakayanan o matuto sa pagnenegosyo.

Makatatanggap ang trainee ng training allowance mula sa kanyang kompanya. Ang oras ng pagsasanay ay hindi dapat lumagpas ng walong oras kada araw. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us