Pagsuspinde sa pagbiyahe papuntang Visayas at Mindanao, ipinaalala ng LTFRB at LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling ipinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagsuspinde sa lahat ng biyahe ng mga bus at truck papuntang Visayas at Mindanao dahil kay bagyong Pepito.

Partikular dito ang mga sasakyan na dumadaan sa Matnog Port at iba pang lugar sa Bicol Region na maaapektuhan ng bagyo.

Layon nito na maiwasan ang buildup ng mga stranded na pasahero sa Maharlika Highway at iba pang pangunahing kalsada sa rehiyon.

Payo pa ng LTFRB sa mga operators na magpatupad ng precautionary measures upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

May ganito ring kahalintulad na anunsyo ang Land Transportation Office.

Mas maigi umano para sa mga pasahero na ipagpaliban muna ang kanilang biyahe at manatili sa kanilang tahanan hanggang maging maayos na ang panahon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us