Naitala ang pagtaas ng pagpapautang ng mga bangko sa Pilipinas na umabot sa pinakamabilis na paglago sa halos dalawang taon.
Ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) umakyat ito ng 11 percent sa parehas na unibersal at komersyal na bangko.
Ang pagtaas ay nasa ₱12.4-trilyon mula sa ₱11.17-trilyon noong nakaraang taon.
Ito ang pinakamataas na paglago mula noong Disyembre 2022, kung saan nakapagtala ng 13.7% na pagtaas.
Ang paglago ay dulot ng pagpapautang ng bangko sa mga pangunahing industriya gaya ng real estate (14.2%), wholesale at retail trade (12%), manufacturing (10.6%), at electricity, gas, steam & air-conditioning supply (7.5%).
Commited naman ang BSP na tiyakin na ang domestic liquidity at lending conditions ay alinsunod sa matatag na presyo. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes