Nakakalat sa paligid ng Batasan Complex ang mga tauhan ng Quezon City Police District, habang nagpapatuloy ang pagdinig tungkol sa isyu ng confidential funds ng Bise Presidente.
Nais lang makatiyak ng pulisya ang kanilang kahandaan sa pagtugon, sakaling may grupo ang biglang sumugod at magsagawa ng kilos protesta.
Bukod sa mga pulis, may nakaantabay ding SWAT Team at ambulansya sa hindi kalayuang lugar ng Kamara.
Gayunman, hindi ito nakasagabal sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng IBP Road, sa parehong papunta ng San Mateo, Rizal at Commonwealth Avenue.
Nanatiling normal sa pangkalahatan ang sitwasyon sa lugar. | ulat ni Rey Ferrer