Hindi haharangin ng pamahalaan sakaling isuko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang sarili sa International Criminal Court (ICC), kaugnay sa imbestigasyon sa mga umano’y human rights violation sa ilalim ng war on drugs ng nagdaang administrasyon.
Pahayag ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin, kasunod ng sinabi ng dating pangulo sa pagdinig ng Kamara ngayong araw na hinihintay niya ang paggulong ng ICC investigation.
Ayon sa kalihim, hindi rin gagawa ang pamahalaan ng anomang hakbang upang pigilan ang pagsasakatuparan ng kahilingan na ito ng dating pangulo.
“If the former President desires to surrender himself to the jurisdiction of the ICC, the government will neither object to it nor move to block the fulfillment of his desire.” —Bersamin.
Gayunpaman, kung ipapaubaya ng ICC sa International Police ang proseso para dito at magpapadala sila ng red notice sa Philippine authorities, walang magagawa ang pamahalaan kung hindi ikonsidera ang red notice bilang isang request na dapat kilalanin.
Sa usaping ito, ang mga otoridad sa bansa ay tatalima at magbibigay ng buong kooperasyon sa interpol, alinsunod sa mga umiiral nang patakaran
“But if the ICC refers the process to the Interpol, which may then transmit a red notice to the Philippine authorities, the government will feel obliged to consider the red notice as a request to be honored, in which case the domestic law enforcement agencies shall be bound to accord full cooperation to the Interpol pursuant to established protocols.” —Bersamin | ulat ni Racquel Bayan