Pamahalaan, nakaalerto sa pagtugon sa epekto ng bagyong Nika at 2 pang binabantayang sama ng panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng pamahalaan na handa na ang lahat ng sistema para sa pagtugon sa epekto ng bagyong Nika at dalawa pang binabantayang sama ng panahon.

Sa isang press briefing, inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, Vice Chair ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na pinayuhan na nila ang 2,500 barangay na direktang tatamaan ng bagyo na magsagawa ng preemptive evacuation habang nakaantabay ang lahat ng kinauukulang ahensya ng gobyerno.

Nakahanda na rin aniya ang food packs ng Department of the Interior and Local Government (DSWD) at response facilities.

Ayon kay Remulla, ang sitwasyon ay nangangailangan ng 10-day response operation mula Biyernes hanggang sa susunod na Lunes, dahil sa paparating pang dalawang bagyo na papangalanang Ofel at Pepito.

Natukoy na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga barangay na pinaka-prone sa landslide at pagbaha, at dapat na maging agarang ang pagtugon.

Nagbabala rin si Remulla, napakataas ng posibilidad ng mga landslide sa Region 1, 2, at Cordillera Administrative Region dahil sa saturated na ang lupa dulot ng sunod-sunod na bagyo sa mga lugar na ito. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us