Umaapela ang NTF-ELCAC sa mga kakandidato na huwag magbibigay ng pera o huwag magbabayad sa mga mangingikil na miyembro ng CPP-NPA-NDF para sa darating na halalan.
Sa halip, ayon kay NTF-ELCAC Usec Ernesto Torres, agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang mga maeengkwentrong insidente ng extortion, o pangingikil ng pera kapalit ng permit to win at permit to campaign.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng opisyal na dapat magtulungan ang publiko, mga kandidato, at LGUs na ma-protektahan ang bawat isa, mula sa anomang uri ng scheme ng mga komunistang grupo.
“They will make use of this election to extort money like from permit to win and permit to campaign scheme just looking at what transpired in the last elections, there were actually very insignificant reports of them being able to extort money from the public, under the scheme of permit to win and permit to campaign.” —Torres.
Sabi ng opisyal, mayroon na silang nakalatag na mekanismo para sa angkop na pag-uulat ng mga ganitong insidente.
“Kaya ngayon, we are again appealing to the public na ngayon pong magkakaeleksiyon tayo, we have already mechanisms on a reporting properly, if there a such cases of extortion demands from the CPP-NPA-NDF that are related to the election.” —Torres.
Pagsisiguro ng opisyal, sa oras na maipagbigay-alam sa mga awtoridad ang mga kaso ng extortion, agad itong tutugunan ng gobyerno.
“When it is properly reported to the concern agencies, they are acted upon and thus, it would deter any effort, from the CPP-NPA from extorting money again as part of their resource generation or personal resource generation nila, for us to be able to frustrate them and doing those. So, that just our call to the public this coming election.” —Torres. | ulat ni Racquel Bayan