Ibinigay na ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang US$150,000 na humanitarian assistance mula sa gobyerno ng Taiwan para sa mga biktima ng bagyong Kristine.
Sa isang simpleng seremonya, pinangunahan ng MECO board of directors ang pagbibigay ng tseke kay DSWD Director Leo Quintilla na siyang special assistant to DSWD Secretary Rex Gatchalian.
Ang nasabing Taiwanese aid ay tinanggap ni MECO Chair Cheloy Velicaria-Garafil mula sa kinatawan ng Wallace Chow of the Taipei Economic and Cultural Office.
Ang nasabing halaga ay gagagamitin sa patuloy na pagbangon ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Kristine sa Luzon.
Nauna rito, nagkaloob rin ang Taiwan noong Oktubre 2024 ng 500 metric tons ng Taiwan rice na bahagi ng 2,000 MT rice donation para sa mga biktima ng kalamidad sa bansa. | ulat ni Mike Rogas