Wala nang mas makasarili pang motibo kumpara sa panawagan na paalisin sa pwesto si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang makaupo si Vice President Sara Duterte.
Pahayag ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasunod ng panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pulis at militar, na mag-intervene n para umano’y ma-protektahan ang Konstitusyon.
“No motive is more selfish than calling for a sitting president to be overthrown so that your daughter can take over.”
Sabi ni ES Bersamin, lahat na ay gagawin ng dating Pangulo, maging ang pag-insulto sa professionalism ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng paghikayat sa mga ito na talikuran ang kanilang sinumpaang tungkulin, para lamang magtagumpay ang kanilang plano.
“And he will go to great and evil lengths, such as insulting our professional armed forces by asking them to betray their oath, for his plan to succeed.” -ES Bersamin
Ayon sa kalihim, dapat na irespeto ng dating Pangulo ang Konstitusyon at dapat umiwas sa pagiging iresponsable.
“The former president should respect the Constitution, not disobey it. He should desist from being as irresponsible as he has become.” -ES Bersamin.
Nakakagulat aniya at maituturing na garapal ang panawagang ito ng Pangulo sa AFP at PNP, na maglunsad ng kudeta laban sa Pangulo.
“Nakakagulat ang garapalang panawagan ni dating Pangulong Duterte sa ating sandatahang lakas na maglunsad ng kudeta laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.” –
Sabi ng kalihim, ang Marcos Administration, hindi tatalikod sa sinumpaan nitong tungkulin na pagsilbihan ang mga Pilipino nang naaayon sa Konstitusyon at Rule of Law.
“This administration will not shirk from its sworn duty to govern and manage the affairs of the Filipino Nation according to the Constitution and the Rule of Law. It will defend its legacy before the Filipino People only by lawful means. The state will act resolutely to go against all unlawful attempts and challenges.” -ES Bersamin.
Ipinunto ni ES Bersamin, na hindi katanggap-tanggap ang marahas na pang-aagaw ng kapangyarihan upang maluklok sa madaling paraan bilang pangulo, sa pamamgitan ng pamamaslang, panggugulo, at pag-aalsa.
“Hindi katanggap-tanggap ang marahas na pang-aagaw ng kapangyarihan upang madaling maluklok bilang pangulo sa pamamagitan ng pagpaslang, panggugulo at pag-aalsa. Maghintay kayo sa tamang panahon, sumunod sa tamang pamamaraan.” -ES Bersamin. | ulat ni Racquel Bayan