Pabor si Manila 3rd District Representative Bienvenido Abante na magkaroon ng ceasefire ang mga lider ng bansa sa kabila ng tumitinding banggaan sa politika.
Tugon ito ni Abante matapos manawagan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na magkaroon ng political ceasefire at tugunan muna ang pangangailangan ng bansa lalo na ng mga nasalanta ng magkakasunod na bagyo.
Sinabi ni Abante na tama lamang na itigil na ang banggaan sa politika at pagtuunan muna ng pansin ang mga programang makatutulong sa pagbangon ng mga biktima ng kalamidad.
Pero sa kabila ng ceasefire, kailangan ituloy pa rin aniya ng Kongreso ang imbestigasyon nito sa isyu ng extra judicial killings, illegal drugs, at isyu sa maling paggamit ng pondo. | ulat ni Mike Rogas