Pangalan ni dating Caloocan City Rep. Edgar Erice, hindi pa aalisin ng Comelec sa balota

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ni Chairperson George Erwin Garcia ng Commission on Elections (Comelec) na mananatili pa rin sa balota ang pangalan ni dating Caloocan City Representative Edgar Erice bilang kandidato ng ikalawang distrito. 

Ayon kay Garcia, hindi pa naman final and executory ang desisyon ng Comelec na nagdi-disqualify kay Erice bilang kandidatong kinatawan ng lungsod. 

Maaari naman daw siyang umapela sa Comelec En Banc dahil 2nd Division lamang ng Comelec ang nagdesisyon tungkol sa kanyang disqualification. 

Hanggat hindi daw final and executory ang nasabing desisyon, mananatiling kandidato si Erice. 

Kahapon, tuluyan nang dinisqualify ang dating mambabatas dahil sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa ginawang bidding ng Comelec para sa 2025 midterm elections. 

Sabi ni Garcia, nag-inhibit na siya sa En Banc upang hindi maakusahan na kanyang iniimpluwensyahan ang nasabing kaso. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us