Inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Administrative Order No. 26 na nagtatakda ng one time rice assistance ng mga military at uniformed personnel para sa taong ito.
Nangangahulugan na bukod sa mga sundalo ay saklaw din ng inilabas na Administrative Order ang mga taga Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) gayundin ang mga taga Philippine Public Safety College na nasa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Kasama rin sa biyaya ang mga taga Bureau of Corrections (BuCor) na nasa ilalim ng Department of Justice (DOJ), Philippine Coast Guard (PCG) gayundin ang National Mapping and Resource Information Authority na under naman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Nakasaad sa Administrative Order na ang distribusyon ng rice assistance ay sisimulan sa susunod na buwan Hanggang March 2025.
Manggagaling ang bigas na ipamamahagi mula sa local at participating farmers o magsasaka ng Kadiwa ni Ani Kita o KADIWA Program ng Department of Agriculture (DA).
Kukunin naman ang pondo sa contingent fund na bahagi ng General Appropriations ngayong taon.| ulat ni Alvin Baltazar