Pangulong Marcos, hindi isinasara ang posibilidad na magkaayos muli sila ni VP Sara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi inaalis ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang posibilidad na magka-kaayos pa sila ni Vice President Sara Duterte.

Pahayag ito ng Pangulo, kasunod na rin ng mga hindi magagandang salita at banta na nabitiwan ng bise presidente sa Pangulo, at kay First Lady Liza Araneta-Marcos.

Sa ambush interview sa Pangulo sa Quezon, natanong kung sa tingin nito ang relasyon niya sa bise presidente ay nasa point of no return na, o hindi na maaaring maging maayos pa.

Sabi ni Pangulong Marcos, “Never say never.”

Ibig sabihin, hindi pa isinasara ng Pangulo ang posibilidad na muling maging maayos ang ugnayan nila ng ikalawang pangulo.

Kung matatandaan, ngayong araw, una na ring kinumpirma ng Pangulo na lehitimo ang kumalat na text message kung saan nananawagan siya na huwag nang ituloy ang impeachment complaint laban sa bise presidente, lalo’t wala namang mapapala ang mga Pilipino dito.

“What will happen if somebody files an impeachment? It will tie down the House, it will tie down the Senate. It will just take up all our time and for what? For nothing, for nothing. None of this will help improve a single Filipino life.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us