Pangulong Marcos Jr., pinapurihan ang first responders at LGUs sa pagpapagaan ng epekto ng Super Typhoon Pepito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng first responder at mga lokal na pamahalaan, sa mga ipinatupad na hakbang upang mapababa ang impact ng Super Typhoon Pepito sa bansa.

“Kailangan pasalamatan natin lahat ng mga first responder, ‘yung mga LGU, lahat ng mga nagtatrabaho.  Pang-anim na (bagyo) na nila ito,” -Pangulong Marcos Jr.

Sa panayam sa Pangulo sa Malacañang, kinilala nito ang dedikasyon sa trabaho ng first responders sa kabila ng pagod ng mga ito, dulot ng magkakasunod na bagyong pumasok sa Pilipinas.
 
“I’m sure that they are exhausted. I am sure that they continue to do and work as hard as they can. Kaya’t tayo po’y nagpapasalamat sa kanila,” -Pangulong Marcos.
 
Kinilala rin ng Pangulo ang mga ordinaryong Pilipino na nanatiling alerto at handa sa pagtama ng bagyong Pepito sa bansa.

“At sa taong-bayan din [nagpapasalamat tayo]. Sila ay tumutulong. Sinusundan nila ang ating mga bulletin tungkol sa kung anong kailangang gawin,” -Pangulong Marcos.

Sabi ng Pangulo, ang naging epekto ng Pepito ay hindi kasing sama ng una nang inasahan ng pamahalaan.  

“Kahit papaano, sa lakas ni Pepito, ang epekto [niya ay] hindi [naging] kasing sama ng aming kinakatakutan. It wasn’t as bad as we feared,” -Pangulong Marcos.
 
Gayunpaman, nakakalungkot pa rin aniya na mayroong napaulat na isang casualty mula sa Camarines Norte.

“Well, we have been monitoring Pepito all night. Unfortunately, I’m sorry and saddened to report that mayroon tayong casualty na isa sa Cam Norte… And you know my feelings about that is that one casualty is one casualty too many. So, that is unfortunate,” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us